Paglihis sa mga isyu sa SEA games hindi dahilan ng pagsibak kay Robredo bilang drug czar— Spox

0
13

Pinabulaanan ng Malacañang ang alegasyon na inililihis lamang ng pamahalaan ang atensyon ng publiko kaya’t sinibak ni Pangulong Rodrigo Duterte si Vice President Leni Robredo bilang co-chair ng Inter Agency Committee on Anti-Illegal Drugs (ICAD).

Kaugnay ito ng mga reklamo ng football teams mula Timor-leste, Myanmar, Cambodia, at Thailand hinggil sa hindi maayos na transportation, accommodation, at food arrangements.

Ayon kay Presidential spokesman Salvador Panelo, hindi diversion tactic ang pagsibak ng Pangulong Duterte kay Robredo bagkus ito ay bunsod ng kapalpakan ng pangalawang pangulo na gampanan ang kaniyang tungkulin bilang co-chair ng ICAD.

Kasabay nito, igiiniit naman ni Panelo na hindi talaga maiiwasan ang mga pagkabalam o mga insidente ng problema sa transportasyon at hindi agad pag-check-in sa kani-kanilang tutuluyang hotel dahil sa sobrang dami ng atletang paparating sa bansa.