29.8 C
Manila
Saturday, April 27, 2024

Mga estudyante nagdiwang sa pagtatapos ng bar exam

- Advertisement -

Nagtipon sa labas ng University of Santo Tomas (UST) ang mga estudyante at alumni ng iba’t ibang mga law schools sa buong bansa para magbigay ng suporta sa kani-kanilang mga schoolmates sa huling araw ng bar examinations kahapon, Nobyembre 24.

Hiyawan, sayawan, at kasiyahan na may kasamang pagpapatugtog ng banda ang sumalubong sa mga kumuha ng bar examinees sa huling araw ng pagsusulit.

5 p.m. pa lamang ng umaga kahapon ay dagsa na ang mga taga suporta at mga kaanak ng mga kumuha ng pagsusulit bago pa man masimula ang mismong bar exam.

Habang sinalubong din ng yakap, bulaklak, at regalo ang ilang mga bar examinees paglabas ng UST matapos ang pagsusulit.

Samantala, pangkahalatang mapayapa ang naging pagtaya ni Manila Police District director Brig. General Bernabe Balba sa nakalipas na apat na linggo ng bar examination.

Wala aniyang nangyaring malalaking kaguluhan sa kasagsagan ng pagsusulit maliban sa nangyaring gulo sa pagitan ng ilang mga participant ng bar operations sa unang araw noong Nobyembre 3.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -