Organizers ng SEA games hindi na pananagutin pa— Spox

0
28

Hindi na pananagutin pa ng Malacañang ang mga organizers ng 30th Southeast Asian (SEA) games.

Ito ay sakabila ng mga reklamo ng mga atleta mula sa iba’t-ibang bansa na sasabak sa SEA games.

Ayon kay Presidential spokesman Salvador Panelo, humingi na ng paumanhin ang pamunuan ng Philippine SEA Games Organizing Committee (Phisgoc) sa mga na-abalang foreign athletes.

Aniya, hindi naman sinasadya ang ganitong mga bagay, at natural lamang ang ganitong uri ng insidente dahil sa dami ng atletang paparating sa bansa.

Paliwanag  ni Panelo, agad namang gumawa ng paraan ang Phisgoc para maayos ang mga problemang kinaharap ng mga nasabing atleta.

Una rito, nag-viral sa social media ang mga larawan kung saan makikita ang football team ng Cambodia na natutulog lamang sa sahig, habang nagreklamo rin ang football teams ng Myanmar, Timor-leste, at Thailand dahil sa delayed na transportation at problema sa kanilang hotel accommodations.