29.8 C
Manila
Thursday, March 28, 2024

Asec Mocha Uson sinampahan ng reklamo sa Ombudsman

- Advertisement -

Pormal nang isinampa ng Philippine Federation of the Deaf at iba pang person with disabilities (PWDs) sa Office of the Ombudsman ang kanilang reklamo laban kay Presidential Communications Operations Office (PCOO) Assistant Secretary Mocha Uson at blogger na si Drew Olivar.

Kaugnay ito sa nag viral video nina Uson at Olivar kung saan ginaya ang mga pipi at pinaglaruan ang sign language.

Ayon sa complainants, diskriminasyon at insulto ang ginawa sa kanila nina Uson at Olivar.

Hindi tinanggap ng grupo ang paghingi ng sorry ni Uson at sa halip ay nanawagan sila sa Pangulong Rodrigo Duterte na tanggalin na sa puwesto si Uson.

—-

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -