Paglalagay ng body cameras tuwing may anti-drug ops tinutulan ni Cayetano

0
16

Kinontra ni House Speaker Alan Peter Cayetano ang mungkahi ni Vice President Leni Robredo na dapat lagyan ng body cameras ang mga operatiba tuwing magkakasa ng anti-illegal drugs operations.

Ayon kay Cayetano, dapat na pag-aralan muna ang paggamit ng naturang kagamitan bago ito isakatuparan at maisaalang-alang ang karanasan ng mga security agencies ng ibang bansa pagdating sa naturang usapin.

Iginiit ni Cayetano na lalo lamang mailalagay sa peligro ang buhay ng mga operatiba kapag gumamit pa ang mga ito ng body cameras.

Matatandaang, iminungkahi ng Bise Presidente ang paglalagay ng body cameras upang maprotektahan ang mga operatiba maging ang mga nasasangkot sa iligal na droga.