LPA sa Catanduanes isa nang ganap na bagyo, tatawaging Bagyong ‘Ramon’ — PAGASA

0
16

Ganap nang naging bagyo ang binabantayang Low Pressure Area (LPA) ng PAGASA sa loob ng Philippine Area of Responsibility (PAR), umaga ng Martes, November 12.

Ayon sa PAGASA, namataan ang ngayo’y isa nang bagyo na tatawaging Bagyong ‘Ramon’ sa silangang bahagi ng Virac, Catanduanes.

Samantala, inaantabayanan naman ang karagdagang impormasyon kaugnay sa Bagyong ‘Ramon’ sa ilalabas na 11AM weather bulletin ng PAGASA.