Saturday, May 4, 2024

ASEP handang tumulong sa pagsusuri ng mga bahay, gusali na sinasalanta ng lindol

- Advertisement -

Nakahanda ang Association of Structural Engineers of the Philippines (ASEP) na tumulong sa audit ng mga bahay at gusali sa mga sinasalanta ng lindol.

Gayunman, ipinaliwanag ni Cesar Pabalan, dating pangulo ng ASEP, limitado rin ang kanilang resources lalo na kung malayo ang lugar na kanilang pupuntahan.

Nagawa anya nila ito sa Bohol earthquake dahil mayroon silang partnership sa National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) noong panahong iyon.

Dahil dito, nanawagan si Pabalan sa Department of Interior and Local Government (DILG) na maging tulay nila upang magkaroon sila ng memorandum of agreement (MOA) sa mga local government units (LGUs) upang mas mapabilis ang kanilang pagtulong.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -spot_img