Kumpiyansa ang Philippine National Police (PNP) at National Bureau of Investigation (NBI) na may koneksiyon sa Philippine Offshore Gaming Operators (POGO) ang paglala ng kaso ng prostitusyon sa bansa.
Sa isinagawang pagdinig ng senate committee on women, children, family relations and gender equality, kahapon, Enero 28, sinabi ni NBI Deputy Dir. Vicente De Guzman na dumami lamang ang kaso ng prostitusyon sa bansa mula nang magsulputan ang mga POGO hubs sa Pilipinas.
We experienced this kind of activity when POGO was created a lot of Chinese employees og POGO is the ultimate clients of these prostitution den,” ani De Guzman.
Layon ng nasabing pagdinig na matukoy ang dahilan kaya’t maraming kababaihan ang nasasangkot sa prostitusyon upang makabalangkas na rin ng panukalang batas para mawakasan ito.
Batay kasi sa datos ng mga otoridad, mula 2019, sumampa na sa 154 ang bilang ng mga babaeng nasagip sa mga prostitution den.
Dahil dito, sinabi naman ni Senadora Risa Hontiveros, chairperson ng nabanggit na komite, na pag-aaralan nila ang paglalagay ng police desks sa mga hotel sa binubuong batas.
Ani Hontiveros, pag-aaralan din nila kung dapat nang suspindihin ang operasyon ng POGO sa bansa, dahil na rin sa mga naitatalang ilegal na gawain na may kaugnayan sa POGO.
I think that would be a very good recommendation for the committee to consider making,” ani Hontiveros.
Sa panig naman ng Palasyo ng Malacañang, sinabi ni Presidential Spokesman Salvador Panelo na agad na aaksyunan ang naturang ulat.
That’s true that we have to do something –like stopping prostitution and arresting those who are involve in it,” ani Panelo.