Chinese nat’l ‘di kailangang pagbawalang makapasok sa PH —Panelo

0
18

Hindi na kailangan pang pagbawalan ang mga Chinese nationals na makapasok sa Pilipinas.

Ito ang binigyang-diin ni Presidential Spokesman Salvador Panelo, sa kabila ng pagsuspinde ng Bureau of Immigration (BI) sa pag-iisyu ng visa upon arrival (VUA) sa mga Chinese nationals dahil sa panganib nang pagkalat ng 2019 novel coronavirus (nCoV).

Ayon kay Panelo, dapat na sumunod ang mga Pilipino sa mga ipinatutupad na panununtunan ng China para hindi na kumalat pa ang nCoV, kabilang na ang ipinatupad na lockdown sa ilang lungsod sa China para maiwasan ang pagkalat ng virus.

Samantala, tiniyak naman ni Panelo na handa naman ang pamahalaan na irepatriate ang mga Pilipino sa mga lugar o bansang apektado ng nCoV kung irerekumenda ito ng Department of Health (DOH) at ng World Health Organization (WHO).

Si Commissioner Morente, meron siyang inissue na directive, ah, regarding the visa upon arrival policy, sinuspend niya ‘yon, that’s partially to restrict travel, kasi, unang-unang, kaya nila nirerestrict para hindi magspread,” ani Panelo.


Mga Tsino mula Mainland, China maaari pa ring magtungo sa PH —BI

Maari pa rin namang mag tungo sa Pilipinas ang mga Chinese na galing sa Mainland, China.

Ito ang binigyang diin ni Bureau of Immigration (BI) Spokesperson Dana Sandoval matapos nilang suspindihin ang pagbibigay ng visa upon arrival sa mga Chinese nationals.

Sinabi ni Sandoval na maari namang kumuha ng visa ang mga Tsino bago pa man sila pumunta sa Pilipinas, sakaling naisin ng mga ito na makapasok sa bansa.