DOJ ipinauubaya sa PNP ang imbestigasyon sa pananambang sa Pampanga

0
12

Ipauubaya na lamang ng Department of Justice (DOJ) sa Philippine National Police (PNP) ang imbestigasyon sa pamamaril na ikinasawi ng isang abogado sa Pampanga.

Ito’y ayon kay Justice Secretary Menardo Guevarra matapos na masawi sa pananambang si Atty. Anselmo Carlos, kahapon, Enero 28.

Ayon kay Guevarra, hahayaaan na lamang nila ang PNP na kumalap ng impormasyon sa naturang krimen.

Sa ngayon, aminado naman ang kalihim na hindi pa natutukoy ang mga responsable sa pamamaslang.