Friday, May 10, 2024

Paglago ng populasyon sa bansa bumagal

- Advertisement -

Bumagal ng 1.5% ang population growth sa bansa.

Ito ay batay sa ulat ng Commission on Population (POPCOM) kung saan posibleng nasa 108.7-M lamang ang kabuuang populasyon sa Pilipinas pagsapit ng Hunyo taong 2020.

Mas mababa ito ng 1. 2-M kumpara sa unang pagtataya ng Phil. Statistics Authority (PSA) kung saan nakasaad na posibleng umabot sa 109. 9-M ang populasyon sa bansa pagsapit sa nasabing panahon.

Ayon kay POPCOM Executive Dir. Juan Antonio Perez III, na nasa 1. 4-M ang projected increase sa populasyon sa pagitan ng 2019 hanggang 2020.

Sinabi ni Perez na ang mga nasa zero hanggang 14 na age bracket ang may pinakamabagal na population growth kung saan inaasahan na babagsakn ito ng 30 percent pagsapit ng 2020.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -