Pagkasawi ng ilang katao dahil sa lambanog poisoning pina-iimbestigahan na sa NBI

0
23

Inatasan na ni Pang. Rodrigo Duterte ang National Bureau of Investigation (NBI) na imbestigahan ang insidente ng pagkasawi ng 17 katao dahil sa lambanog poisoning.

Ito mismo ang kinumpirma ni Justice Sec. Menardo Guevarra, matapos na pumalo sa 400 ang bilang ng mga isinugod sa ospital dahil sa pagkakalason sa lambanog.

Ayon kay Guevarra, lumabas sa pagsusuring isinagawa ng Food and Drug Administration (FDA) na nagtataglay ng 11 to 18% ng methanol content ang lambanog na nainom ng biktima.

Gayunman, hindi pa naman ipinahihinto ng FDA ang produksyon at distribusyon ng lambanog sa Luzon dahil pumasa naman sa FDA standards ang karamihan sa mga tindahan ng lambanog sa Luzon.