Dagdag presyo sa mga de latang sardinas nakaamba

0
60

Nakaamba ang .50 hanggang .60 na dagdag-presyo ng mga de latang sardinas sa Disyembre batay sa abiso ng isang grupo ng mga manufacturer ng isang naturang produkto.

Ayon kay Marvin Lim, presidente ng Canned Sardines Association of the Philippines, nagpaabiso na sila sa Department of Trade and Industry (DTI) kaugnay sa limang porysentong taas presyo ng mga de latang sardinas.

Paliwanag ni Lim, nakaapekto sa paggalaw ng presyo ng naturang produkto ang pagmahal ng raw materials, pagtaas ng bayad sa mga manggagawa, petrolyo at palitan ng piso.

Una rito, umapela sa DTI ang grupong laban konsyumer na ibaba ang presyo ng mga bilihin dahil sa sunod-sunod na pagbaba ng presyo ng produktong petrolyo.