Pagkansela sa business permits ng mga establisyementong nasa loob ng Manila Bay watershed area iniutos

0
54

Inatasan ni Interior and Local Government Secretary Eduardo Año ang lahat ng mga local government officials na bawiin o kanselahin ang mga business permits ng mga establisyementong nasa loob ng Manila Bay watershed area.

Ito ay oras na mapatunayang lumalabag o hindi sumusunod ang mga ito sa umiiral na environmental laws.

Ayon kay DILG Undersecretary Jonathan Malaya, layunin ng ipinalabas na direktiba ni Año ang matiyak na nasusunod ng mga establisyemento ang mga probisyong nakapaloob sa national building code, fire code, code on sanitation at iba pang katulad na polisiya at batas.

Gayundin, inatasan ni Año ang DILG regional directors ng NCR, Central Luzon at CALABARZON na i-ulat sa kanya ang mga LGUs at local chief executives na mabibigo namang sundin ang kanyang direktiba.

Sakop ng ipinalabas na memorandum ni Año ang nasa 178 lungsod at munisipalidad sa NCR, Central Luzon at CALABARZON na nasa loob ng Manila Bay watershed area.