MRT sasailalim sa isang linggong shutdown maintenance

0
54

Sasailalim sa isang linggong maintenance ang MRT o Metro Rail Transit Line 3 sa susunod na buwan.

Sa ipinalabas na abiso ng DOTr o Department of Transportation, kanilang isasagawa ang taunang general maintenance ng MRT sa mahal na araw mula April 15 (Holy Monday) hanggang April 21 (Easter Sunday).

Dahil dito, sarado ang MRT sa buong holy week habang magbabalik operasyon naman ito sa Abril 22, Lunes.

Ayon sa DOTr, kasama sa isasagawa nila ang rail grinding at cascading, pagpapalit ng turnouts, structural testing at iba pang general maintenance activities ng mga tren, electrical system at iba pang MRT 3 subsystems.

Kasabay nito, humihingi ng pang-unawa at pasensiya ang DOTr sa mga mananakay ng MRT dahil kinakailangan anila ang maintenance para matiyak ang maayos na operasyon at komprehensibong rehabiltasyon ng buong system nito.


Dahilan ng pag-usok ng tren ng MRT kahapon natukoy na

Tukoy na ng pamunuan ng MRT 3 at Department of Transportation ang dahilan ng pag-usok ng isang tren nito kahapon.

Ayon kay DOTr Undersecretary Goddes Libiran, nagkaroon ng short circuit ang high voltage wire sa trantion motor ng nasabing tren.

Sinabi ni Libiran, kasalukuyan nang kinukumpuni ang umusok na tren sa MRT 3 depot.

Nilinaw naman ng opisyal na iba ang dahilan ng naunang insidente ng pag-usok ng isa pang tren ng MRT noong nakaraang taon sa nangyari kahapon.

Tiniyak din ni Libiran na isinasailalim sa masusing inspeksiyon ang lahat ng tren ng MRT bago sumalang sa mainline.