Maituturing na insulto sa soberanya ng Pilipinas ang pagkansela ng Estados Unidos sa U.S. visa ni Senador Ronald “Bato” Dela Rosa.
Ito ang naging reaksiyon ni Foreign Affairs Sec. Teodoro Locsin Jr. matapos aminin ni Dela Rosa na hindi na niya iaapela pa ang naging hakbang ng Estados Unidos.
Ayon kay Locsin, ang hakbang ng Amerika ay maituturing na isang kamangmangan.
Gayunman, sinabi naman ni Dela Rosa na ipagkikibit-balikat na lamang niya ang nabanggit na hakbang ng Amerika.
Hindi naman tayo mayabang na magdedemand (…) if you don’t like me, I don’t like you also,” ani Dela Rosa.