3 bagong kaso ng nCoV naitala sa Malaysia

0
14

Tatlong panibagong kaso ng 2019 novel coronavirus o nCoV ang naitala sa Malaysia.

Ito mismo ang kinumpirma ng Malaysian Health Ministry kung saan pito na ang kabuuang kumpirmadong kaso ng nCoV sa Malaysia.

Batay sa inilabas na pahayag ng health ministry sa Malaysia, nagpositibo sa nCoV ang isang 4-taong gulang na babae, 52-taong gulang na lalaki at isang babae; pawang mga Chinese nationals naman ang pitong positibong kaso ng nCoV sa Malaysia.

Magugunitang ngayong linggo lamang nagpatupad ng temporary ban ang Malaysia sa mga Chinese nationals na magmumula sa Wuhan –ang episentro ng nCoV outbreak.