Publiko ‘di pa kailangan magsuot ng protective mask vs. nCoV —DOH

0
16

Tiwala ang Department of Health (DOH) na hindi pa kailangan ng publiko na magsuot ng protective masks laban sa 2019 novel coronavirus (nCoV).

Ayon kay Health Spokesperson Undersecretary Eric Domingo, wala pa naman kasing kumpirmadong kaso ng nCoV sa Pilipinas.

Sinabi ni Domingo na inirereserba kasi ng ahensiya ang mga face masks lalo na ang N95 masks para sa mga health workers na may close contact at mangangasiwa sa mga persons under investigation (PUI) o ‘yung mga pasyenteng inoobserbahan dahil sa posibleng pagkahawa ng nCoV.

Gayunman, inirerekumenda naman ni Domingo ang paggamit ng protective masks sa may mga sakit para hindi na makahawa pa ang mga ito ng anumang nakahahawang sakit.

Sa ngayon, nananatili namang ligtas sa panganib ng nCoV ang Pilipinas.