Wednesday, May 8, 2024

Pagkamatay ng 14 magsasaka sa Negros pinaiimbestigahan sa senado

- Advertisement -

Mahalagang maimbestigahan ang pagkamatay ng 14 na magsasaka sa Negros Oriental upang matigil na ang dumaraming kaso ng pagpatay na kinasa-sangkutan ng mga otoridad.

Ito ang inihayag ni opposition Sen. Leila De Lima kaugnay ng isinumiteng resolusyon na naglalayong imbistigahan ang serye ng pagpatay sa mga magsasaka sa bansa.

Ayon pa kay De Lima, layunin ng imbestigasyon na ito na busisiin ang tila kawalan ng kakayanan ng pamahalaan na gampanan ang tungkulin na panatilihin ang kapayapaan at panagutin ang mga responsable sa mga nagaganap na krimen at pag-abuso.

Paliwanag pa ng senadora, mahalaga ring makabuo ng mekanismo kung paano mapananagot ang responsable sa mga karahasan upang maisulong ang hustisya at rule of law sa bansa.

(with report from Cely Ortega- Bueno)

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -spot_img