Saturday, May 18, 2024

Halaga ng pinsala ng El Niño sa agrikultura sumampa na sa 5-B

- Advertisement -

Sumampa na sa limang bilyong piso ang naitalang halaga ng pinsala sa sektor ng agrikultura dahil sa patuloy na nararanasang tag-tuyot dulot ng El Niño phenomenon sa bansa partikular na sa rehiyon ng Mindanao.

Ito ay batay sa tala ng NDRRMC o National Disaster Risk Reduction and Management Council kung saan umabot na sa mahigit 78,000 pamilya o halos 400,000 indibidwal ang apektado mula sa mahigit 100 barangay sa region 11 at 12.

Kaugnay nito, aabot naman sa mahigit 77,000 ektarya ng pananim ang napinsala habang nasa mahigit 100 magsasaka rin ang naapektuhan.

(with report from Jaymark Dagala)

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -