Saturday, May 18, 2024

LTFRB Chair Martin Delgra pinagbibitiw sa pwesto ng isang transport group

- Advertisement -

Pinagbibitiw sa pwesto ng isang transport group si LTFRB Chairman Martin Delgra hinggil sa sunod-sunod na pagkakasangkot ng mga tauhan nito sa katiwalian.

Ito ay kasunod ng ipinataw na preventive suspension sa executive dir ng LTFRB na si Atty. Samuel Jardin matapos umano nitong humingi na higit apat na milyong piso kapalit ng pag apruba sa isang franchise application.

Ayon kay Efren De Luna ng ACTO o Alliance of Concerned Transport Organizations, dapat na masusing imbestigahan ng mga otoridad ang isyu ng korapsyon sa hanay ng LTFRB.

Aniya, dapat nang matigil ang hindi magagandang gawain sa hanay ng LTFRB kaya’t dapat itong mahigpit na busisiin ng mga kinauukulan.

“Ipinanawagan namin na magkaroon na ng resignation yang mga tinatawag natin na mga nanunungkulan diyan at sa pangunguna narin ni Chairman Delgra dahil alam natin na palpak ang mga kalakaran sa loob ng LTFRB.”

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -