Pagkakaaresto sa NDFP consultant walang kinalaman sa pagiging komunista nito — PNP

0
44

Nanindigan ang Philippine National Police (PNP) na walang kinalaman sa pagiging miyembro ng komunistang grupo ang pag-aresto kay National Democratic Front of the Philippines (NDFP) Consultant Vic Ladlad.

Ayon kay PNP Chief Oscar Albayalde, inaresto si Ladlad dahil sa mga nakuhang armas dito kabilang ang isang M4 rifle, AK-74, ilang hand guns, mga granada, bala at ilang dokumento.

Dahil dito, nahaharap sa kasong illegal possession of firearms si Ladlad.

Binigyang diin din ni Albayalde na suspendido ang safe conduct pass para sa lider ng NDFP matapos kanselahin ng pangulo ang peace talk.

Nilinaw din ni National Capital Region Police Office (NCRPO) Director Guillermo Eleazar na may dalang search warrant ang mga pulis nang magtungo ang mga ito sa lugar ni Ladlad sa Novaliches, Quezon City kung saan kasamang inaresto ang mag-asawang sina Alberto at Virginia Villamor.