Tuesday, April 30, 2024

MURDER CASE LABAN SA ISANG PARI SA LUNGSOD NG IRIGA.. IBINASURA

- Advertisement -

laking pagka-dismaya ng pamilya Rapiñan sa naging desisyon ng Provincial Prosecutors Office ng Camarines Sur matapos na ibasura ang isinampang kaso laban sa pangunahing suspect na isang Roman Catholic Priest sa brutal na kamatayan ng isang dalaga na di-umanoy kanyang naanakan limang buwan na an nakakaraan.

ito ang sinabi ng maluha-luhang nanay ni Ms. Geraldine Rapiñan na si Mrs. Vivencia Rapiñan makaraang malaman ang desisyon ni Provincial Prosecutor Richard Cu sa pagsabing lack of probable cause.

ayon sa ginang, di nila hahayaan na maisulat na lamang sa tubig ang kamatayan ng kanyang anak at mabaon sa limot ang karumal-dumal na sinapit nito sa kamay ng salarin.

una ng kinilala ang suspect na si Rev. Fr. Paul Martino Tirao dating parish priest sa Lungsod ng Iriga subalit sa ngayon di malaman kung saang parokya na ang assignment nito.

maguginuta na ang bangkay ni Geraldine ay narekober na nakagapos at nakatali ang mga kamay at paa at may mga tama ng saksak malapit sa maharlika hi-way sa bayan ng San Fernando, Camarines Sur.

ang biktima na isang taga Baao sa lalawigang ito ay sinasabing nagkaroon ng relasyon sa suspect matapos na itoy maging kasambahay sa bahay at ang pari ang itinuturong huling kausap nito sa lungsod ng Naga upang humingi ng pera sa pagpapabinyag sa bata naging bunga ng kanilang relasyon.

ayon kay ginang Rapiñan, hinahanda na nila ang isusumiting motion for reconsideration sa kaso kasabay ng pagsabi na kailangang panagutan ng kriminal ang sinapit ng kanilang anak.

- Advertisement -

Leave a Reply

- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -spot_img