Pagkakaaresto kay Ladlad binatikos ng grupong Bayan  

0
42

Binatikos ng grupong Bagong Alyansang Makabayan (Bayan) ang pag-aresto kay National Democratic Front of the Philippines (NDFP) consultant, Vic Ladlad.

Ayon kay Bayan Sec. Gen. Renato Reyes, maituturing na pag-atake sa kapayapaan ang pagdakip kay Ladlad at sa iba pang peace consultants katulad nina Rafael Baylosis at Adel Silva.

Sinabi pa ni Reyes, na dapat mas pagtuunan ng pansin ng pamahalaan ang mga paglabag sa karapatang pantao kaysa habulin ang mga peace consultants.