Nilinaw ng Malacañang na maaring ideklarang ‘unconstitutional’ ng korte ang anti-profanity ordinance ng Baguio City, sakaling isailalim ito sa isang consitutional test.
Ayon kay Presidential Spokesperson Salvador Panelo, malinaw na labag ang ordinansang ito sa saligang batas dahil ang pagmumura ay bahagi ng freedom of speech.
Samantala, sinabi naman ni Baguio City Mayor Domogan na napansin nila na nagiging normal na para sa lahat ang magmura kaya’t mahalaga ang naturang ordinansa para sa values formation ng mga kabataan sa Baguio.