Duterte naghahanap ng bagong presidential spokesperson

0
48

Naghahanap ng bagong tigapagsalita si Pangulong Rodrigo Duterte.

Ito ang inihayag mismo ni Pangulong Duterte sa isang ambush interview matapos ang kanyang ginawang pamamahagi ng mga titulo ng lupa sa Boracay Island.

Ayon kay Pangulong Duterte, sa kanyang palagay ay hindi kakayanin ni Atty. Salvador Panelo ang tumagal sa posisyon bilang tigapagsalita.

Pag-amin pa ng pangulo, meron na siyang ikinukunsiderang ilang mga pangalan.

Nais din aniyang manggaling sa media industry ang magiging susunod niyang tigapagsalita dahil mas nakaalam ito kung paano sumagot sa mga tanong.

Magugunitang, itinalaga ni Pangulong Duterte si Chief Presidential Legal Counsel Panelo bilang spokesperson matapos na magpasiya si dating Presidential Spokesperson Harry Roque na tumakbo sa susunod na halalan.