Friday, May 17, 2024

Pagiging person of interest ng naarestong si Jonas Bueno pinag-aaralan pa rin — PNP

- Advertisement -

Itinuturing nang person of interest ng pambansang pulisya ang naarestong si Jonas Bueno sa kaso naman ng karumal-dumal na pagpatay sa dalagitang Grade 9 student sa Lapu-Lapu City, Cebu.

Gayunman, nilinaw ni PNP Spokesman P/Col. Bernard Banac na pinag-aaralan pa rin nila kung kabilang nga si Bueno sa mga pumaslang kay silawan matapos na maaresto ito sa Davao City.

Ayon kay Banac, halos magkapareho kasi ng modus ang ginawa ni Bueno sa isang magsasaka sa Danao, Cebu sa malagim na sinapit naman ni Christine Silawan na natagpuang tadtad ng saksak, binalatan ang mukha at kinuha pa ang lamang loob.

Una nang itinanggi mismo ni Bueno na sangkot siya sa pagpatay kay Silawan dahil dalawang linggo na aniya siyang nasa Davao City nang mangyari ang malagim na krimen.

“May pagkakahawig yung incident kaya nananatiling person of interest itong si Jonas Bueno dahil baka may posibilidad na isa rin ito sa mga suspek sa pagpaslang sa isang teenager (Christine Silawan) dito naman sa Lapu-Lapu City. May iba pang mga leads na sinusundan ang Special Investigation Task Group kaya antabayanan natin at sana sa madaling panahon ay makakapag-bigay ng kalinwan ang PRO – 7 sa bagay na ito.” Tinig ni Banac.

interview from Todong Nationwide Talakayan
- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -