Thursday, May 2, 2024

Security detail para sa mga kabilang sa narco-list posible – PNP

- Advertisement -

Handang magbigay ng seguridad ang PNP o Philippine National Police sa may 46 na pulitikong napabilang sa tinaguriang narco list ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Ito’y ayon kay PNP Spokesman P/Col. Bernard Banac ay kung sakaling mayruong tiyak na banta sa kanilang seguridad ang mga naturang pulitiko.

Bagama’t bukas naman ang tanggapan ng PNP sa lahat ng taong nagnanais humingi ng kanilang proteksyon, pero paglilinaw ni Banac, kailangan pa rin aniya itong dumaan sa tamang proseso.

“Nakabukas po ang tanggapan ng PNP sa lahat po ng hihingi ng tulong sa atin. Subalit, kailangan dumaan ito sa proseso at makita po na validated at napakataas talaga ng standard. Lalo na ngayon nasa election period kailangan na dumaan ito sa Comelec authorization.” Pahayag ni Banac.

Kasunod nito, sinabi ni Banac na mananatili lamang sa dalawa ang maibibigay na security escorts ng PNP na alinsunod sa itinatakdang polisiya ng Comelec.

“Oo mananatili ang polisiya na hanggang dalawa lang talaga ang maibibigay na uniform security alinsunod yan sa ipinatutupad na under the Omnibus Election Code at itong mga resolusyon ng Comelec.” Ani Banac.


Mga pulitikong kabilang sa ‘narco-list’ hindi pa rin lusot — PNP

Hindi pa rin lusot sa kaso ang mga tinaguriang narco politicians na hindi pa napapangalanan ni Pangulong Rodrigo Duterte subalit kabilang sa kaniyang narco list.

Ito’y ayon kay PNP Spokesman P/Col. Bernard Banac ay dahil sa nagpapatuloy pa rin naman ang revalidation at imbestigasyon sa iba pang mga pangalan batay sa nagkakaisang hakbang ng Inter-Agency Council on Illegal Drugs o ICAD sa pangunguna ng PDEA.

Magugunitang 46 na pangalan lamang ang isinapubliko ng pangulo nuong biyernes na una na ring ipinagharap ng reklamong administratibo sa tanggapan ng ombudsman.

“Posible nga na marami pa yung mga kinukunsidera na pangalan diyan. Hindi lang natin alam kung ano nga yung mga tinutukoy na specific na pangalan. Subalit, ang patuloy na mandato ng PNP ay mag-imbestiga at mangalap ng impormasyon at ito naman isinusumite natin sa PDEA dahil bahagi tayo ng interagency anti-illegal drugs committee.” Wika ni Banac.

Paliwanag pa ng opisyal, matitibay ang mga hawak na ebidensya ng pamahalaan laban sa naunang pangalan na inilabas ng pangulo na aniya’y nagpabaya umano sa pagkalat ng iligal na droga o naging protektor sa kalakalan nito sa bansa.

Mula aniya 2016, aabot na sa 157 nang lokal na opisyal ang nasampahan ng kaso na may kinalaman sa iligal na droga kung saan, karamihan dito ay nagmula sa barangay.

“Mas maganda ngayon dahil finally makakapagbigay na sila ng kanilang opisyal na panig at ito rin ang pagkakataon na ma-i-clear din nila ang kanilang pangalan sa tamang office – yung investigative branch.” Dagdag ni Banac.

interview from Todong Nationwide Talakayan

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -spot_img