Paghingi ni Duterte ng paumanhin hindi para kay Robredo —Spox

0
13

Itinanggi ni Presidential Spokesman Salvador Panelo na humingi si Pangulong Rodrigo Duterte ng paumanhin kay Vice President Leni Robredo.

Ito ay matapos umamin ng pangulo na nabiktima siya ng ‘fake news’ kaya’t na-akusahan nito si Robredo na nag-iimbita ng prosecutor mula sa United Nations para imbistigahan ang war on drugs.

Ayon kay Panelo, hindi direktang humingi ng paumanhin ang pangulo kay Robredo bagkus ay nag-sorry lamang ito dahil sa paniniwala sa fake news.

Una rito, sinabi ng pangulo na napag-alaman niyang hindi totoo ang balita na nakarating sakaniya hinggil sa pag-imbita ni Robredo sa mga opisyal ng United Nations.

Matatandaang, nagbanta ang pangulo na sasampalin niya sa harapan ni Robredo ang human rights advocate na si Phelim Kine na nagsabing handa na umano itong mag-imapake patungo ng Pilipinas para tumulong sa war on drugs.