Mga nahuhuli dahil sa paggamit ng ‘vape’ sa Metro Manila pumalo na sa 10

0
20

Pumalo na sa 10 katao ang nahuli ng pulisya dahil sa pag-gamit ng vape o electronic cigarette sa mga pampublikong lugar sa Metro Manila.

Ayon kay National Capital Region Police Office (NCRPO) acting chief Brig. Gen. Debold Sinas, na-aresto ang mga ito sa Sta. Cruz at Malate, Manila.

Sinabi pa ni Sinas na kabilang sa kanilang top priorities ang ban sa importasyon at paggamit nito sa mga pampublikong lugar.

Aniya, mahigpit din nilang ipinapatupad ang “no vape zone” sa kanila kampo.

Matatandaang, noong Miyerkules, Nobyembre 20, nagsimula ang operasyon ng Philippine National Police (PNP) laban sa paggamit ng vape sa mga pampublikong lugar matapos ang direktiba ng Pangulong Duterte.