Duterte takot sa maaaring madiskubre ni Robredo sa kampanya vs iligal na droga —Sison

0
30

Kumpiyansa si CPP-NPA founding chairman Joma Sison na takot lamang si Pangulong Rodrigo Duterte kaya’t sinibak nito si Vice President Leni Robredo bilang co-chair ng Inter Agency Committee on Anti-Illegal Drugs (ICAD).

Ayon kay Sison, ‘tila nabahag ang buntot ni Pangulong Duterte dahil determinado si Robredo na gampanan ang kaniyang tungkulin para masugpo ang iligal na droga sa bansa.

Aniya, natakot lamang ang pangulo na madi-diskubre ni Robredo na ang pangulo talaga ang protektor ng mga drug lords sa Pilipinas.

Dagdag pa ni Sison, ang pag-sibak ng pangulo kay Robredo bilang co-chair ng ICAD ay patunay lamang na hindi ito seryoso na ma-solusyunan ang problema ng Pilipinas sa illegal drugs.