35.4 C
Manila
Friday, April 19, 2024

Paghingi ng ML extension pinagangambahang maging palagian na

- Advertisement -

Nangangamba ang ilang mambabatas na maging palagian o halos permanente ang paghingi extention ng martial law sa Mindanao.

Sa kanyang interpellation sa joint session ng Mataas at Mababang Kapulungan ng Kongreso, sinabi ni Lagman na kung isasama ang ikatlong extension, aabot na sa halos isang libong (1,000) araw umiiral ang batas militar sa Mindanao.

Sa pagtatanong ni Lagman, nabigo ang militar na patunayan sa pamamagitan ng datos ang sinasabi nilang pagganda ng ekonomiya sa Mindanao.

Ayon kay Armed Forces of the Philippines (AFP) Chief of Staff Benjamin Madrigal Jr., sa Abril pa ng susunod na taon inaasahang ilalabas ng NEDA ang datos sa paglago ng ekonomiya , inflation at poverty incidence sa Mindanao sa panahon ng martial law.

Lumabas rin sa pagtatanong ni Lagman na umaabot pa sa mahigit dalawang libo limandaan (2,500) ang bilang ng lokal at dayuhang terorista ang nasa Mindanao.

Sa panig ni Senador Francis Escudero, nagpahayag ito ng pangamba na maging new normal ang martial law sa Mindanao.

Sa kanyang interpellation, sinabi ni Escudero na hindi dapat ibinibigay ng pamahalaan at militar sa martial law ang kredito kung may nagawa man silang maganda para sa Mindanao.

—-

 

 

 

 

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -