31.4 C
Manila
Wednesday, April 17, 2024

Martial law sa Mindanao muling pinalawig

- Advertisement -

Inaprubahan ng Kongreso ang hiling ni Pangulong Rodrigo Duterte na muling palawigin ang umiiral na martial law sa Mindanao at ang suspensyon ng writ of habeas corpus sa rehiyon.

Sa isinagawang joint session ng Senado at Kamara ngayong araw, mayorya ng mga mambabatas ang naniniwalang malaki pa rin ang pangangailangan para sa batas militar upang mapanatili ang kapayapaan at seguridad sa Mindanao, na nakakuha ng kabuuang boto na 255-28-1.

Sa panig ng Senado, 12 ang pumabor, 5 ang hindi at isa ang nag-abstain, habang sa Kamara naman, 223 ang nag-Yes, 23 ang No at walang nag-abstain.

Tatagal ang martial law extension sa Mindanao ng isang taon mula Enero 1 hanggang Disyembre 31, 2019.

Ito na ang ikatlong pagkakataon na pinalawig ang martial law sa Mindanao.


Depensa ng Ehekutibo

Idinepensa ni Executive Secretary Salvador Medialdea ang kahilingan ng pamahalaan na palawigin pa ng isang taon ang martial law sa Mindanao.

Sa joint session ng Mataas at Mababang Kapulungan ng Kongreso, binigyang diin ni Medialdea na kailangan pa ng Martial Law upang hindi tuluyang mawala ang mga naani nang tagumpay sa Mindanao sa aspeto ng ekonomiya at kapayapaan.

Ayon kay Medialdea, bagamat bahagyang humina na ang puwersa ng mga terorista at rebelde sa Mindanao, hindi maiaalis na malaki pa ang kakayahan nilang maghasik ng kaguluhan.

Tinukoy ni Medialdea ang Abu Sayyaf, mga teroristang grupo na konektado sa mga dayuhan at mga komunistang grupo.—By Len Aguirre 

—-

 

 

 

 

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -