30.2 C
Manila
Friday, April 26, 2024

Paghahanda sa peligro ng CoVid19 mas pang pinaigting sa Camarines Sur.. Lungsod ng Iriga ipinatawag na ang Anti-CoVid19 Task Force

- Advertisement -

Iriga City. Mas pang pinaigting sa lalawigan ng Camarines Sur ang paghahanda sa kumakalat na sakit na corona virus disease 2019-CoVid19 upang itoy maiwasan.

Ito ang naging pahayag ni Gov. Migz Villafuerte matapos na ipatawag an mga Municipal at City DRRMO, epidemiological surveillance teams at iba pang emergency responders kahapon kasabay ng pahayag na negatibo pa sa ano mang kaso ng sakit ang buong lalawigan.

Pinag-usapan sa pulong ang management and control measures kasama na ang quarantine sa mga patient under investigation (PUI) kung mayron man.

Ayon sa punong lalawigan, mahalagang mapaghandaan na an lahat ng mga gagawin, lalo’t di man natin gusto maaaring magkaroon ng transmission ang sakit dahil sa mga umuuwing OFWs na galing sa mga bansang tinamaan ng corona virus.

Samantala, sa lungsod ng Iriga, nagpatawag na rin ng pulong si Mayor Madel Y. Alfelor sa Anti-CoVid19 Task Force upang malaman ang mahalagang papel na kanilang gagampanan, sakaling magkaroon ng kaso sa Lungsod.

Ayon sa Mayor, di ito kaya mag-isa ng DOH at ng City Health Office dahil dito kailangan ang pakikiisa ng mga mamamayan at mga barangay officials.

Inatasan na ng mayor ang lahat na agad ipag-bigay alam sa task force ang ano mang resulta ng surveillance at monitoring na gagawin sa bawat barangay.

Day to day basis na ang reporting na gagawin upang magin gabay ng task force sa mga susunod na hakbang.

- Advertisement -

Leave a Reply

- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -