28.9 C
Manila
Saturday, April 20, 2024

Bayan ng Baao namahagi ng disinfectant laban sa African Swine Fever-ASF

- Advertisement -

Iriga City. Nagpapatuloy sa ngayon ang pamamahagi ng disinfectant sa mga mayari ng babuyan sa bayan ng Baao, Camarines Sur itoy upang maibsan ang epekto at patuloy na pagkalat ng ASF sa iba pang lugar ng lalawigan.

Ayon kay Mayor Jeff Besenio ng Baao,Camarines Sur ang ipinapamahaging disinfectant ay rekomendado ng Department of Agriculture na binili ng local na pamahalaan bilang tulong sa mga maliliit na hog raisers sa bayan.

Kanyang sinabi na may mga malaking babuyan sa bayan ng Baao na pinangagabahang tamaan ng ASF kung walang precautionary measures na gagawin ang mga local na opisyal.

Una rito, tatlong bayan na sa Camarines Sur ang tinamaan ng ASF kasama na ang Lungsod ng Naga kung saan nag-deklara na ng lock down sa lahat ng baboy at meat processed product.

- Advertisement -

Leave a Reply

- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -