Paggunita sa Undas pangkalahatang naging mapayapa ayon sa PNP

0
62

Pangkalahatang naging mapayapa ang paggunita sa Todos Los Santos at Araw ng mga Patay sa buong bansa.

Ito, ayon kay PNP spokesman, Chief Supt. Benigno Durana, ay bunsod ng epektibong law enforcement at mahigpit na seguridad na ipinatupad.

Sa kabila aniya ng pagdagsa ng malaking bilang mga tao sa mga sementeryo at transport terminal ay napanatili ang kapayapaan at kaayusan.

Wala ring naitalang mga untoward incident maliban sa mga nakumpiskang mga ipinagbabawal na bagay sa loob ng mga sementeryo.

Sa Manila North Cemetery pa lamang na pinakamalaking public cemetery sa bansa, isa’t kalahating milyong katao na ang dumagsa noong Undas.