Paggunita ng Undas sa unang kalahating araw naging mapayapa—PNP

0
39

Pangkalahatang mapayapa ang unang kalahating araw ng paggunita ng Undas sa National Capital Region (NCR).

Buong umaga na naglibot sa mga sementeryo si PNP-NCRPO Chief Guillermo Eleazar upang tignan ang pagkakalatang seguridad.

Ayon kay Eleazar, mahigit sa 4,000 pulis ang ipinakalat nila dito lamang sa NCR, katulong ang mahigit sa 100 miyembro ng Philippine Army at mahigit sa 400 tauhan ng mga local government units upang matiyak ang kaayusan sa mga sementeryo.

Gayunman, tiniyak ni Eleazar na bagamat nakatutok sila sa mga sementeryo, hindi pa rin mapapabayaan ang mga residential areas na posibleng pasukin ng masasamang loob.

Mananatili sa full alert status ang Philippine National Pollice hanggang sa umaga ng Nobyembre 3.

Una nang idineploy ng PNP sa mga sementeryo sa iba’t ibang panig ng bansa ang mahigit sa 33,000 mga pulis.


Manila North

Nagmistulang Divisoria ang Manila North Cemetery sa dami ng negosyanteng nagtayo ng stall sa sementeryo.

Bukod sa mga normal na stall ng mga fastfood at iba pang kainan, may mga stalls rin para sa body piercing, henna tattoo at iba pa.

Mayroon ding mga stalls para sa mga damit, sapatos, pantalon, jacket at mga laruan.

Hndi rin naging problema ang pagkalat ng mga plastics at iba pang recyclables dahil may stall rin ang Tzu Chi Foundation sa sementeryo para tumanggap ng mga plastic bottles, carton at iba pa.

—-