19 OFW na unang naaresto sa Riyadh posible pa ring makasuhan

0
45

Nanganganib pa ring makasuhan ang 19 na OFWs na unang naaresto sa Halloween party sa Riyadh Saudi Arabia.

Ayon kay Consul General Christopher Patrick Aro, nakabalik na sa kanilang regular na trabaho ang 19 na OFWs subalit nagpapatuloy pa rin ang imbestigasyon sa kanila.

Ito’y matapos matuklasan ng Saudi authorities na hindi kasama sa Halloween party kundi part-time workers doon ang 19 na OFWs.

Sinabi ni Aro na kaya nasa party ang mga OFW ay para magsilbi at maglinis ng lugar.

Pinagbabawalan ang 19 na umalis ng Riyadh upang matiyak na makakadalo sa hearing.

—-