Saturday, May 18, 2024

Paggunita ng All Saints’ Day at All Souls Day naging mapayapa

- Advertisement -

Pangkalahatang naging mapayapa ang paggunita ng All Saints’ Day at All Souls Day sa Manila North at South Cemetery.

Ito ang naging pagtaya ng Manila Police District (MPD) sa kabila ng ilang naitalang kaso ng mga nawalang bata at nakumpiskang ilang sachet ng marijuana mula sa isang teenager na papasok ng Manila North Cemetery.

Ayon kay Manila North Cemetery Ground Commander Supt. Julius Caesar Domingo, wala silang naitalang krimen simula noong Nobyembre 1.

Dagdag ni Domingo, dahil sa pagsisikap at pagtutulungan ng lahat ng volunteers at kawani ng iba’tibang ahensiya ng gobyerno, kanilang natiyak ang kaligtasan at seguridad ng mga nagtungo ng Manila North Cemetery.

Samantala, sinabi naman ni Manila South Cemetery Ground Commander Supt. Albert Barot, wala rin silang naitala kahit mga petty crimes tulad ng pandurukot at pagnanakaw sa sementeryo simula Oktubre 31 hanggang Nobyembre 2.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -