MMDA hinimok ang mga bakasyonista na magbalik Maynila nang maaga

0
62

Hinimok ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang mga nagbakasyon nitong Undas na magbalik ng nang mas maaga sa kalakhang Maynila.

Ito ay upang makaiwas sa mabigat na daloy ng trapiko sa Lunes, Nobyembre 5 sa gitna rin ng inaasahang exodus ng mga nagbabalik Maynila matapos ang long weekend.

Ayon kay MMDA Suprevising Operations Officer Bong Nebrija, mas makabubuti kung hindi na sasabay pa sa inaasahang dagsa ng mga motorista at commuters ang ilan para mabawasan na rin pagsisikip ng trapiko.

Pagtitiyak naman ni Nebrija, nakahanda sila sa inaasahang exodus ng mga magsisibalik na bakasyonista.

Aniya, magpapakalat na sila ng nasa 2,200 tauhan na bente kuwatro oras na nakatalaga sa mga bus terminals at mga babaan at sakayan sa bahagi ng EDSA simula ngayong araw.