31.1 C
Manila
Thursday, April 25, 2024

Indonesia niyanig ng M-6.1 na lindol

- Advertisement -

Niyanig ng magnitude 6.1 na lindol ang North Maluku sa silangang bahagi ng Indonesia, kagabi.

Sa datos ng US seismologists, naitala ang pagyanig sa layong isang daan at limampung (150) kilometro sa hilagang kanluran sa nasabing lugar.

May lalim naman ang nasabing lindol na tatlumpu’t pitong (37) kilometro.

Sa ngayon patuloy namang inaalam ng mga awtoridad kung may nasaktan sa insidente.

Matatandaang noong Setyembre ng nakararaang taon ng tumama ang 7.5 na lindol sa Palu, Sulawesi Indonesia kung saan nasawi ang mahigit dalawang libong (2,000) katao.

—-

 

 

 

 

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -