Paggamit ng plastic bawal na sa EPD stations

0
52

Ipinagbabawal na rin ang paggamit ng plastic sa lahat ng istasyon ng pulisya na sakop ng Eastern Police District (EPD).

Ito’y sa ilalim ng “Ayaw Namin sa Plastic Program” na inilunsad ng EPD kahapon.

Ayon kay EPD Dir. Police Brigadier Gen. Nolasco Bathan, nais nilang makatulong sa pamamagitan ng nasabing hakbang na mapangalagaan ang kalikasan at makabawas sa sanhi ng pagbaha.

Tiwala naman si Bathan na susundin ito ng lahat ng istasyon ng pulisya sa kaniyang nasasakupan.

Kasabay nito, umaasa si Bathan na maging sa mga paaralan at gusali sa kanilang lugar ay maipatutupad din ang naturang programa.