Divorce bill muling bubuhayin sa 18th congress

0
48

Muling bubuhayin nina Sen. Risa Hontiveros at Sen. Pia Cayetano ang Divorce Bill.

Ito’y matapos bigong makalusot ang panukala sa 17th congress.

Ayon kay Hontiveros, isa sa prayoridad ang panukalang diborsyo ngayong 18th congress.

Aniya, nakabatay ito sa psychological incapacity ng mag-asawa lalo kung sinasaktan ang babae at may halo ng panghahalay.

Ihahain din ni Cayetano, chairman ng committee on women, ang sarili nitong bersyon ng panukala.

Samantala, ipinabatid naman ni Senate Pres. Tito Sotto na bukas siya para talakayin ang Divorce Bill.