31.9 C
Manila
Thursday, April 18, 2024

Paggamit ng PICC, World Trade Center, Pasig Sports Complex bilang quarantine facilities aprubado na

- Advertisement -

Aprubado na ang paggamit sa Philippine International Convention Center (PICC), World Trade Center at Pasig Sports Complex bilang quarantine facilities para sa mga persons under investigation (PUIs) dahil sa coronavirus disease 2019 (COVID-19).

Ayon kay Cabinet Secretary at Inter-Agency Task Force on Emerging Infectious Disease (IATF-EID) spokesman Karlo Alexi Nograles, malaking tulong ang convert sa mga naturang establisyimento ang madecongest ang dami ng mga pasyente sa iba’t-ibang mga ospital sa bansa.

Sa ilalim ng IATF Resolution No. 16, nakasaad na inaatasan ang lahat ng lokal na pamahalaan sa bansa na bilisan ang pagtukoy sa mga pasilidad na maaring gawing quarantine facilities.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -