33 C
Manila
Saturday, April 20, 2024

COVID-19 death toll sa QC umabot na sa 27

- Advertisement -

Nasa 27 na ang bilang ng mga nasawi sa Quezon City dahil sa coronavirus disease 2019 (COVID-19).

Batay sa pinakahuling ulat, nasa kabuuang 151 ang kaso ng COVID-19 sa lungsod ng Quezon.

Kahapon lamang, naitala ang 11 panibagong kaso ng COVID-19 sa Quezon.

Kaugnay nito, umiiral naman ang e extreme enhanced community quarantine (EECQ) sa 18 barangay sa Quezon City, kabilang na ang Tandang Sora, Kalusugan, Ramon Magsaysay, Maharlika, Tatalon, Batasan Hills, Pasong Tamo, Central, San Roque, Paligsahan, Bagong Lipunan ng Crame, at South Triangle.

Umiiral din naman ang EECQ sa Culiat, Bahay Toro, E. Rodriguez, San Isidro Labrador, Matandang Balara at Teachers Village West.

Samantala, kasado na rin naman ang disinfection sa 138 barangay sa lungsod.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -