Paggamit ng antimalarial drug na Chloroquine vs. COVID-19 ibinabala ng DOH

0
17

Nagbabala ang Department of Health (DOH) sa publiko laban sa paggamit ng antimalarial drug na Chloroquine bilang panlunas sa COVID-19.

Ayon kay DOH undersecretary Maria Rosario Vergeire, may side effects ang naturang gamot at hindi ito maaaring gawing pam-prophylaxis o pang-agap sa COVID-19.

Kinakailangan aniya ng sapat na patnubay ng doktor bago uminom ng mga gamot na lumalabas sa merkado.

Magugunitang noong Sabado, sinabi ni DOH secretary Francisco Duque III na kanila nang binabalangkas ang guidelines sa paggamit ng antimalarial drugs laban sa COVID-19, katuwang ang Philippine College of Physicians at Philippine Society for Microbiology and Infectious Disease (PSMID).