Special session sa kongreso isasagawa sa March 23 — Sotto

0
12

Nakatakdang magsagawa ng special session ang dalawang kapulungan ng kongreso 10:00 bukas ng umaga, Marso 23.

Ito’y ayon kay Senate President Vicente Sotto III matapos ang naging pagpupulong nila ni House Speaker Alan Peter Cayetano at Executive Secretary Salvador Medialdea kahapon.

Ayon kay Sotto, bibigyan nila ng kapangyarihan si Pangulong Rodrigo Duterte na dumiskarte sa kung paano gagamitin ang pondo kaugnay na rin sa paglaban kontra COVID-19.

Ilalaan aniya ang mapagkakasunduang pondo sa pagkain at iba pang ayudang ibibigay sa mga apektado ng krisis pangkalusugang nararanasan ngayon ng bansa.

Maliban sa agarang ayuda, sinabi ni Sen. Bong Go na iminungkahi rin ng Malakaniyang na payagan ang Pangulo na pondohan ang mga programa para sa rehabilitasyon ng sambayanan mula sa krisis na ito.