2 pang Pinoy sa abroad nagpositibo sa COVID-19 —DFA

0
17

Nagpositibo sa coronavirus disease 2019 (COVID-19) ang dalawa pang Pinoy sa abroad.

Ayon sa Department of Foreign Affairs (DFA), isa sa mga ito ay nasa Brunei Darussalama at ang isa ay mula naman sa India.

Batay sa Ministry of Health ng Brunei Darussalam, ang Pinoy patient na naroon ay nasa isang local health facility at nasa stable na kondisyon.

Lumapag naman sa India ang isa pang pasyente noong Marso at na-ospital sa Mumbai nang makaranas ng hirap sa paghinga.

Tiniyak naman ng DFA na mahigpit ang kanilang koordinasyon ng Philippine Embassy sa Philippine Honorary Consulate ng Mumbai at Ministry of Health sa Brunei Darussalam upang matutukan ang lagay ng dalawang Pinoy.

Dagdag pa ng ahensya, magpapaabot sila ng tulong sa parehong pasyente upang matiyak na mabibigyan sila ng sapat na alaga at suporta para malabanan ang COVID-19.