33.2 C
Manila
Monday, April 15, 2024

DFA malamig sa paghahain ng diplomatic protest laban sa China

- Advertisement -

Malamig si Foreign Affairs Secretary Teddy Boy Locsin Jr. sa paghahain ng diplomatic protest laban sa China sa di umano’y harrassment sa Filipino news team na nagtungo sa panatag shoal.

Ayon kay Locsin, sa tingin niya ang paghahain ng protesta ay tila pagbato ng papel sa isang konkretong pader.

Paliwanag ni Locsin, naka pitong diplomatic protest ang kanyang sinundang si dating DFA secretary Alan Peter Cayetano.

Ang paghahain ng panibagong diplomatic protest ay tila pagpapatunay sa international community na ang China ay hindi magagalaw habang mahina naman ang Pilipinas.

Una nang pinayuhan ni Presidential Spokesman Salvador Panelo ang GMA network na maghain ng kanilang reklamo para malinaw ng DFA sa China ang naging pagbabawal nito sa shooting ng documentaries sa naturang dako ng West Philippine Sea.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -