29.5 C
Manila
Thursday, April 18, 2024

PAGCOR nagkaloob ng portalet para sa mga bakwit sa Batangas

- Advertisement -

Tinanggap ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) ang may 168 portalets mula sa Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) at City of Dreams.

Ito’y bilang bahagi ng ayuda ng PAGCOR para sa mga residenteng apektado ng pag-aalburuto ng Bulkang Taal sa lalawigan ng Batangas.

Mismong si Defense Secretary Delfin Lorenzana at NDRRMC Executive Director Usec. Ricardo Jalad ang tumanggap ng nasabing donasyon mula kay PAGCOR President at CEO Andrea Domingo.

Ayon kay Domingo, ilalagay ang mga naturang portalet sa evacuation centers kung saan may ilang residente pa ring nananatili kahit tinanggal na ang lockdown sa maraming lugar sa lalawigan.

Kapwa nagpasalamat naman sina Lorenzana at Jalad sa donasyong ipinagkaloob ng PAGCOR para sa mga apektado ng pag-aalburuto ng bulkan na nananatili sa alert level 3. — ulat mula kay Jaymark Dagala (Patrol 9)

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -